October 29, 2009

Ganito..

Ang tagal ko na nakapag salita ng tagalog. Mula noong umalis ako sa bahay ng pamilya ko (labing walong taon ako), wala akong kaibigan o kamaganak na puede ko magsalita ng tagalog. Kaya ganito nalang, dito. Siyempre siguradong marami ang pagkakamali rito, pero lamang sumusubok ako.

Noong lumipat kami (ako at si Johan) dito sa Stockholm noong nakaraang taon, nagsimula akong nagaral ng swedish. Ayos lang ako, may araw na madali at may araw na mahirap. Noong isang araw pinapaghanga ko kung konti konti kong nakakalimutan ang tagalog. Nakakalungkot naman ito.

Ang ganda naman kung isang araw na mayroon kami ng anak, kung kaya niya magsalita ang lahat ng lengguwahe namin - ingles, swedish at tagalog. At ako rin. :)

 
blog comments powered by Disqus